iniisip ko na baka yung huli kong post ay yung huli na talagang post ko dito sa wordpress.

at ako’y talagang mali. [eto ako ngayon at nagsusulat at magpopost!]
yehey!

iniisip ko na lan na kailangan ko ng outlet tungkol sa mga bagay bagay.
tsaka ng may mapaglibangan kahit papaano. sa mga panahong wala akong magawa. [kung nagkakaroon man ako ng mga ganong pagkakataon]

ngayon. so far. kakauwe ko lang ulit dito sa australya. mga isang buwan nakong nag-aaral uli. ngayon ko lang ulit naalala kung paano mag aral.

ngayon eto yung mga subjects ko:

chem1020 – chemistry. haaay. mahal na mahal ko tohng subject na ‘to. nakakatuwang isipin na akala mo pang nerdok lan ang science pero hindi. absolutely not. definitiv nicht.

math1052- katulad pa rin ng dati. pinaka paborito kong subject. sana walang rason para di kita ulit magustuhan.

engg1000 – tandundun. eto yung subject na ewan. masaya PERO mahirap PERO marami rin akong natutunan.

hehe.
yun lang.
hanggan sa muli. paalam.

susubukan ko toh i-update bawat linggo para masaya. hehe.

well hindi lang yung isa kong kapatid yung nandiyan sa video. dalawa sila ‘tas kasama yung tatay ko.

Nasa Goodburger kami nung kinuha ko etong video. Nilibre kami ng tatay ko.

Ang tagal tagal na nung huli naming sinundo ng tatay ko yung mga kapatid ko galing sa eskwela nila. Tipong bawat araw nag-road trip kami ng tatay ko mula sa Pisay, Qsci at sa The Learning Tree tuwing hapon para lang sunduin mga kapatid ko. ‘Tas habang hawak ni dadi yung manibela, ako naman kung hindi ako magkukwento, magrereklamo lang ako kung bakit naging ganto yung daigdig o kung bakit hindi ako pinayagan ni mami na maglakwatsa o kung anuman.

Anyway, alam ko naman gusto niyo talaga makita yung kapatid ko kaya eto na [hehe]..

hanggang sa muli! paalam!

NOTE: matagal na ‘to. Tipong nung Nobyembre pa. Huling exam ko na noon ‘tas yung mga kaibigan ko kaxe nagpapaka ewan. Eh wala nang pumapasok sa utak ko kaya ayun. Nag sulat sulat na lang ako ng kung ano-ano.

[well. medyo maikli lang to. hula ko nung nagsisimula na ako magsulat ng nobela, bigla na lang sumuko mga kaibigan ko at nag-aya na rin silang magtanghalian.]

Eto ang tamang gawain dalawang oras bago ka mag-exam, mag-sulat ng kung anu-ano. Habang nagkakandaloko na ang mga katabi mo sa kasasagot ng mga past exam papers , eto ako wala nag-tatype.

Ewan ko. Isip ko naman kasi kung mag-aaral pa ako, malamang wala na akong maiintindihan  at malamang makakalimutan ko ren yung inaral ko ng ilang oras.

Haay. at eto ako ngayon. pinipilit ako ng mga katabi ko na umupo lang at antayin sila para lang magtanghalian…

[at ayan. tapos. wala na...malamang pumunta na kami ng refectory noon. haha]

hanggang sa muli!

paalam!

hanggang sa muli!

paalam!

Kung ang UP may malaking lupain na lumulubog [aka Sunken Garden], ang UQ [University of Queensland] may katubigan naman. Tawag ng mga tao diyan ay UQ Lakes.

Eto yung lugar kung saan masarap mag muni muni

Engineering pa ba ako o lipat na ako ng pre-med course?

kumain ng tanghalian…

Ayos! Pinagbuhusan ko ng dugo at pawis yung hapunan turned tanghalian ko!

o kaya maglakad-lakad lang…

lalo na kung ayaw mo ng naglalakad katabi ng mga building na sangkot sa pag gawa ng grades mo.

Eto yung lugar na nagpapapaalala sa akin ng heritage ko. [Alam mo na kung saang lugar ako nagpapaka-emo]. Dami kasing puno, ‘tas halaman, ‘tas mga ibon kaya naalala ko parati ang Pilipinas sa lugar na ‘to. Kaya tuwing may klase ako sa uni kahit at least isang beses dapat dadaan ako diyan sa lugar na yan. Kahit na long cut pa.

Nakakagaan lang ng pakiramdam siguro na naalala mo yung pinanggalingan mo. Kasi alam mo na kung hindi ka man tanggapin sa lugar na tinatambayan mo ngayon, may babalik at babalikan ka pa rin. [Hindi ibig sabihin nun ay di ko gusto ang Brisbane ah. Maganda din naman dito. Trip ko rin magtagal dito.somehow.]

o siya siya.

kailangan ko na ulit bumalik sa pag-aaral.

isang linggo pa ako magdurusa. hehe.

hanggang sa muli!

paalam!

teaser! hahaha

hanggang sa muli!

paalam!

sa wakas nakagawa rin ng video!

hanggang sa muli ! paalam!

sorry. out of sync pa rin.

haha.

Pasensiya at wala akong maikuwentong nakakaaliw o kahit anung matino ngayon. Buhay ko kasi ngayon ay ganto lang :

Lunes-Sabado: Uni Uni Uni Uni (AT OO TAMA ANG IYONG NABASA HANGGANG SABADO! Kasi malapet na yung finals ko kaya kailangan ko kumayod ng extra. haha)

Linggo : SIMBA.

Well, maliban na lang sa occassional na pagtambay ko sa dorm ng kaibigan ko, yun lan talaga ang nangyayari sa akin.

Alam niyo, habang nanunuod ako ng videos sa youtube, naisip ko na tayong mga kolehiyala wala tayong pinagkaiba sa mga athlete. Iba nga lang yung sport natin compared sa kanila pero parehong techniques rin naman yung kailangan natin.

Kunyare, kung gusto mo maging internationally acclaimed sportsman, dapat talagang patutuunan mo ng panahon yung sport na yon. ‘Tas tipong kahit na kung ano pa ibato sa’yo ng mga tao (pag sinabihan ka nila na hindi ka na gagaling o kung anuman), dapat hindi mo pa rin tantanan yun hanggang maging pro ka.

Dapat maging ganun din akong engineering student. Yung tipong, di ko tatantanan hangga’t di ko natatapos yung mechanics online tutorial ko. Dapat ganun. At dapat prepared parate bago pumunta ng lecture.

Kaso ewan ko. Parang ang layo layo ko dun sa ideal situation.

Pero that shouldn’t stop me, tama??

haaay.

Bukas may pasok ako.

Pero pwede ako tanghali magising kasi wala daw kaming mechanics lecture. Eh yun yung una kong klase. hehe.

sige sige.

Ako’y  magluluto pa ng hapunan.

hehe.

paalam.

Grabe ang bilis bilis ng panahon! Parang kailan lang noong kararating ko pa lang dito! Naalala ko pa yung panahon na sinundo ako ng driver ng UQ tas tipong naaisip ko pa kung ano ‘tong gulong papasukin ko ulit. At yung gravity ng consequences ng mga desisyon ko.

Isipin mo.

apat na taon.

sa isang banyagang bansa.

ikaw lang mag-isa.

nung simula pa nga eh wala ka pang titirahan.

haay.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at bakit ginusto ko pa ring umalis sa Pilipinas kahit na hindi naging ganon kaganda yung nangyari sa akin sa Alemanya. Pero, turns out, dami ko pa ring natutunan at namamanage ko naman na mag-enjoy kahit na tinatambakan ako ng sobrang daming homework at mga exam na super bigat ng percentage sa grades.

‘Tas yung fact na marami akong nakikita at namemeet na mga tao, nakakatuwa at nakakaaliw.People from all walks of life, ika nga.

Ilang linggo na lang matatapos na yung una kong semestre dito sa UQ. (Isang buwan na nga lang ata eh).

Pero masasabi ko lang na uber meaningful ng buhay talaga kapag napapunta ka sa isang bagong lugar. Doon mo maiisip kung gaano mahirap mabuhay ng mag-isa at dapat lagi kang tumingin sa taas.

(Pasensiya. Sabog ‘tong post ko na toh. Nag-aaral kasi ako ng Math ngayon eh.  Nakakaloka na talaga.hehe)

sigesige.

hanggang sa muli!

paalam!

Next Page »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.